Sunday 2 February 2020

Essence of family day in my teenage life



Noong January 26, 2020 ay nag diwang ang asian college of technology ng family day 2020. Maraming sayawan, halakhakan at iba pa. Meron ding dinner at raffle sa fam day. Medyo biglang nag bago ang pag diwang ng fam day noon at ngayon. Noon ang daming mga maliit na cart, yung parang kasadya na mag peryahan at laro sa canteen, at marami ding games para sa pang pamilya talaga. Nung ipakita pa nila kung paano ang bonding ng mag ka pamilya through games. Ngayon biglang nag bago lahat puro nalang sayaw yung fam day at wala nang games para sa mga magulang at sa kanilang anak. Masaya ang family day ngayon dahil 4peat ang panalo nang mga 2017 batch sa sayawan at hatawan sa modern dance at sa tribal dance. 2017-2020 kami ang nag hawak ng corona sa asian college of technology dance competition sa family day.



Binibigyan ng Araw ng Pamilya ang mga miyembro ng pamilya at kanilang mga anak ng isang pagkakataon na ipagdiwang ang kahulugan ng pagiging isang pamilya at gumugol ng kalidad ng oras sa kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng paglahok sa mga masayang aktibidad. Kaso wala akong magulang na pumunta dahil lahat sila ay busy. Ang family day ay hindi lang kadugo ang dapat kasama mo mag diwang ng family day kung di yung mga taong nag papasayo sa atin nung wala sila at yung mga taong parang sila na ang magulang natin at yan yung mga maestra at maestro natin sa paaralan.
 

No comments:

Post a Comment